luha ng buhaya
Kagagaling
ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng
lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa
kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong
Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak
ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan
at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may
pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang
mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng
pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya
Leona.
Nang
ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos
ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae
at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa
pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan
ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi
sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat
natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang
matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa
sa Maynila.
Nakilala
nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na
sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa
kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin
nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni
Bandong.
Bumuo ng
isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni
Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga
magsasaka.
Ikinagalit
iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan
ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at
ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y
nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang
Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare
Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang
itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang
Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang
huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging
ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya
Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak
naman sa kasal ng mag-asawang Grande.
Lumaban ang
mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang
kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay
nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong
nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang
pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon.
Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa
tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong
ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni
donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing
ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa
pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang
habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni
donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal
ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang
dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.
Noon sinagot ni Pina si Bandong.
Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si
Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa
nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Isang gabi,
lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at
ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na
lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang
pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno
ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng
mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang
inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni
Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay
Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay Bandong.
Nahuli si
Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman
sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng
mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si
Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si
don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala,
napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng
Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin
doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga
bata.
Namanhikan
si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng
kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
Pagninilay sa ginawa
lahat ng may ginawang kasalanan ay mapaparusahan ito ang naramdaman ko sa kwentong luha ng
buhaya
Pagninilay sa ginawa
lahat ng may ginawang kasalanan ay mapaparusahan ito ang naramdaman ko sa kwentong luha ng
buhaya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento